Ibang Mukha ng Kalikasan

by admin on September 2, 2010

Sumali ako sa Saranggola Blog Awards (Tula Category) noong isang taon kung saan nakamit ko ang ikalawang pwesto para sa entry na “Ang Bulador”.Basahin. At ngayon sa kanilang ikalawang taon ay muli na namang magpapasiklaban ang mga blogista sa kani-kanilang kakayahan sa pagsulat ng tula, maikling kwento at maikling kwentong pambata. At sa pangalawang pagkakataon, gumawa ako ng aking entry para sa taong ito na isang Tula at ito’y aking shine-share sa inyo. Sa mga nais sumali, alamin ang mekaniks ng patimpalak na ito o kaya i-email si Bernard Umali sa bernardumali@gmail.com.

Ang entry ko para sa Saranggola Blog Awards Year 2 (Tula Category)

ANG LANGGAM

Madalas kitang titigan

Umaakyat, gumagapang

Hindi alintana ang mga hadlang

Sa kung saan man ang patutunguhan.

~

Disiplinado, masipag

Lahat ng miyembro ng pangkat mo.

Bawat isa ay may tungkulin na tinutupad

Ginagawa hangga’t may liwanag.

~

Mga munting butil ng kanin sa hapag-kainan

Nagmamadaling Inday ay iniwan

Ay matiyaga mong pinupulot

Kasama ng buo mong pangkat na minsan ay nakayayamot.

~

Gaano ka man kaliit

Ang silbi mo ay walang kapalit.

Tingin ng iba ikaw ay salot

Ngunit sa aking pananaw ikaw ay isang bayaning walang saplot.

~

Ang iyong pagka-masinop ay walang kahintulad

Kung kaya’t kahit isa sa inyo ay walang kapus-palad.

Kaya’t mamang nakaupo sa kanto

Sa langgam sana ikaw ay matuto.

~oOo~

ANG BAGYO

Heto ka na naman

Isang malakas na kapangyarihan

Nangangalit, rumaragasa,

Sa mga walang muwang tumatama.

~

Ikaw si Poseidon

Na naghahari sa karagatan

Pinaglalaruan ang bawat dumapo sa mga tubig mo

Walang pakialam, walang kinikilingan.

~

Ikaw ang nagluluksang si Demeter

Dahil sa lungkot ay sinira ang sansinukuban

Pinabayaang hubad ang kanyang nasasakupan

At nilunod ang lupa sa kanyang mga luha.

~

Ikaw si Hades

Na umaagaw ng buhay ng sangkatauhan

Kinatatakutan, kinasusuklaman

Puno ng kadiliman.

~

Sa paningin man ng nakararami ikaw ay masama

Sa akin ikaw ay simbolo ng katapangan

Maaring lahat ng ito ay labag sa iyong kalooban

Ngunit ito ay pagtupad lamang ng tungkulin sa ‘yo ay nakalaan.

~

Kahantulad ka ng buhay

Kalmado ngunit malupit

Kinakailangang tingnan sa kakaibang angulo

Upang maarok ang lalim mo.

~oOo~

ANG LAWA NG LAGUNA

Tuwing kita ay nasisilayan

Maraming alaala ang sa akin ay bumabalik.

Mga alaalang hindi ko tanto

Kung saang nakaraan nanggaling.

~

Marami na akong bagay na kinalimutan

Ngunit tuwing ikaw ay sasagi sa aking isipan

Mga balintataw ng ala-ala

Ay muling nagbabalik.

~

Isa kang panaginip sa aking paningin

Nagbibigay ng saya sa aking damdamin

Kapag humahalik ang Haring Araw sa iyong mga pisngi

Pangungulila ko sa kahapon ay lalong tumitindi.

~

Kahit saan ako makarating

Anyo mo sa aking isipan ang siyang lumilipad.

Anong hiwaga mayroon ka

Na maaaring bumighani sa aking diwa.

~

O kay hirap masaksihan

Ang iyong unti-unting pagpanaw

Marahang kinikitil ng sakim na taong

Minsan ay nakakita ng kapayapaan sa iyong kandungan.

~

Pagtangis mo sana ay marinig

Sa bawat alon na iyong ipinupukol

At sa kaunting yaman na iyong ibinibigay

Sa mga baybayin ng kanyang buhay.

~oOo~

Sponsors:

{ 17 comments… read them below or add one }

jason September 2, 2010 at 4:51 pm

grabe eto na ang post ni diko tsi. susuportahan ko to. gaya ng dati!! lols

Reply

lovely September 2, 2010 at 5:42 pm

naka naman, panalo na rin haha..

ang hirap makipag sabayan sa inyo hehe..

Reply

roni September 2, 2010 at 6:42 pm

wawaw naman!

gusto ko yung langgam, galing!

tutuong kung magmamanman lang ang sangkatauhan,
nasa kanyang paligid lang ang tunay na kasagutan!

Reply

meliza catedral September 3, 2010 at 1:17 am

wow.. nakkatuwa nman. cge suportahn ko po kau..salamat sa paginvite

Reply

J.Kulisap September 5, 2010 at 9:56 am

Ang gaganda ng mga lahok.
Langgam, Bagyo, Lawa. Kalikasan

Reply

bluguy September 8, 2010 at 9:07 pm

congrats…ganda ng pagkalarawan mo sa kalikasan sa matulaing pamamaraan…..

Reply

bernardumali September 10, 2010 at 3:30 am

parang ang mga paksa mo ay magkaugnay sa buhay mo. mula paglabas ng bahay, bagyo at ang lawa.

Sarap ngang alalahanin ang kabataan, saksi ang lawa ng laguna.

Maraming salamat sa paglahok at hanggang sa susunod na entries.

Reply

Kurog September 10, 2010 at 1:57 pm

Walang kuwenta! Hahaha! Joke! Galing mo kuya Tsi! Tsk, tsk!

Nalimutan kong i-renew and domain ko,
Di tuloy ako makasali dito.
Kung kelan pa man din inspired ako
Kay Kuya Tsi na aking idolo.

Reply

TACIO September 14, 2010 at 8:47 am

Ahay maY ganit0 pala! jo-join ako.

Reply

busyok September 14, 2010 at 8:49 am

ayee. ang dami nang entry para sa pa-contest ni bernard. naku sana makagawa din ako ng entry ko sa kategorya ng maikling kwento.

may kagalingan ang iyong tula ka tsi.

Reply

arnie September 14, 2010 at 2:33 pm

ayoko na,,,,,inggit na me…

teka makaisip na nga din ng tulang tatalo sayo tsi! bwhahahahaha

Reply

livingstain September 15, 2010 at 2:24 pm

hoyyyyy marvin… hindi bat ako ang nagkamit ng titulong blog sikat noong nakaraang taon para sa kategoryang tula??? toinkz (hahahaha ayaw pumayag)

Reply

Tsiremo September 15, 2010 at 6:53 pm

Hahahahaha alam mo nakakahiya pala ang post ko, ayan na edit ko woah sorry sorry hehehe i was thinking nung ginagawa ko ‘to, blogsikat yung titulo kahit second o third placer, hahahahaha ayun nag backread ako yikes, sobrang pahiya ako, :D – thanks fo the correction…kakahiya ikaw pa ang nakakita ng error hahahahaha…wish me luck ok…hoy sumali ka…suporta kay kuya bernard!

Reply

livingstain September 15, 2010 at 11:00 pm

hahaha sineryoso mo pala comment ko, wala yun eto naman.

may entry na ako.

Reply

jason September 17, 2010 at 8:49 am

hi diko tsi!! hohohohoho

support support kita

Reply

livingstain September 28, 2010 at 9:38 am

hi sangkong tsi

Reply

-=cuteberl=- September 20, 2010 at 12:48 pm

galing ng post na ito…. padaan po…

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: