September 10 is a non-working holiday, Malacanang Palace declares. President Aquino has signed Proclamation 26, which declares September 10 as a non-working holiday in the Philippines. This is to give way to Ramadan festivities which is celebrated by the Muslim people after a month of fasting. The Ramadan began on August 11 this year and will end this coming September 10, 2010. Read more about Ramadan.
Views>44Ibang Mukha ng Kalikasan
September 2nd, 2010
Tsiremo Ang entry ko para sa Saranggola Blog Awards Year 2 (Tula Category)
====================================================================
ANG LANGGAM
Madalas kitang titigan
Umaakyat, gumagapang
Hindi alintana ang mga hadlang
Sa kung saan man ang patutunguhan.
~
Disiplinado, masipag
Lahat ng miyembro ng pangkat mo.
Bawat isa ay may tungkulin na tinutupad
Ginagawa hangga’t may liwanag.
~
Mga munting butil ng kanin sa hapag-kainan
Nagmamadaling Inday ay iniwan
Ay matiyaga mong pinupulot
Kasama ng buo mong pangkat na minsan ay nakayayamot.
~
Gaano ka man kaliit
Ang silbi mo ay walang kapalit.
Tingin ng iba ikaw ay salot
Ngunit sa aking pananaw ikaw ay isang bayaning walang saplot.
~
Ang iyong pagka-masinop ay walang kahintulad
Kung kaya’t kahit isa sa inyo ay walang kapus-palad.
Kaya’t mamang nakaupo sa kanto
Sa langgam sana ikaw ay matuto.
~oOo~
ANG BAGYO
Heto ka na naman
Isang malakas na kapangyarihan
Nangangalit, rumaragasa,
Sa mga walang muwang tumatama.
~
Ikaw si Poseidon
Na naghahari sa karagatan
Pinaglalaruan ang bawat dumapo sa mga tubig mo
Walang pakialam, walang kinikilingan.
~
Ikaw ang nagluluksang si Demeter
Dahil sa lungkot ay sinira ang sansinukuban
Pinabayaang hubad ang kanyang nasasakupan
At nilunod ang lupa sa kanyang mga luha.
~
Ikaw si Hades
Na umaagaw ng buhay ng sangkatauhan
Kinatatakutan, kinasusuklaman
Puno ng kadiliman.
~
Sa paningin man ng nakararami ikaw ay masama
Sa akin ikaw ay simbolo ng katapangan
Maaring lahat ng ito ay labag sa iyong kalooban
Ngunit ito ay pagtupad lamang ng tungkulin sa ‘yo ay nakalaan.
~
Kahantulad ka ng buhay
Kalmado ngunit malupit
Kinakailangang tingnan sa kakaibang angulo
Upang maarok ang lalim mo.
~oOo~
ANG LAWA NG LAGUNA
Tuwing kita ay nasisilayan
Maraming alaala ang sa akin ay bumabalik.
Mga alaalang hindi ko tanto
Kung saang nakaraan nanggaling.
~
Marami na akong bagay na kinalimutan
Ngunit tuwing ikaw ay sasagi sa aking isipan
Mga balintataw ng ala-ala
Ay muling nagbabalik.
~
Isa kang panaginip sa aking paningin
Nagbibigay ng saya sa aking damdamin
Kapag humahalik ang Haring Araw sa iyong mga pisngi
Pangungulila ko sa kahapon ay lalong tumitindi.
~
Kahit saan ako makarating
Anyo mo sa aking isipan ang siyang lumilipad.
Anong hiwaga mayroon ka
Na maaaring bumighani sa aking diwa.
~
O kay hirap masaksihan
Ang iyong unti-unting pagpanaw
Marahang kinikitil ng sakim na taong
Minsan ay nakakita ng kapayapaan sa iyong kandungan.
~
Pagtangis mo sana ay marinig
Sa bawat alon na iyong ipinupukol
At sa kaunting yaman na iyong ibinibigay
Sa mga baybayin ng kanyang buhay.
~oOo~
Sponsors:
Views>181
RSS Feed
Twitter

